Umabot na sa ₱3.16 bilyon ang naging pinsala ng bagyong Paeng sa agrikultura, ayon sa pahayag ng Department of Agriculture (DA) nitong Sabado.

Sa datos ng Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Operations Center ng DA, nasa 197,811 metriko tonelada ang lugi ng mga magsasaka sa produksyon na saklaw ng 84,677 ektaryang sakahan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON (Region 4A), MIMAROPA (Region 4B), Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Central Mindanao, at Soccsksargen.

Nasa83,704 magsasaka at mangingisda ang apektado rin ng bagyong Paeng.

Kaugnay nito, nakahanda nang ipamahagi ng ahensya ang milyun-milyong pisong halaga ng mga binhi sa mga magsasaka.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

“The DA through its Regional Field Offices (RFOs), is conducting an assessment of damage and losses brought by Paeng in the agri-fisheries sector," sabi pa ng ahensya.