Usap-usapan ngayon online ang kopya ng video ng umano’y pagtitipon ng ilang die-hard fans nina Alden Richards at Maine Mendoza o ng “Aldub” kung saan ipinagdiwang umano ng grupo ang “tamang panahon” kalakip ang paniniwalang bumuo na nga ng pamilya ang onscreen couple.

Sa kaniyang panayam kay Oie Diaz sa YouTube nitong Huwebes, matatandaang ibinulgar ng actress-host ang pinagdaanang pagpapaliwanag sa ilang fans ukol sa ilang delusion ng mga ito sa kanila ni Alden.

Kabilang dito ang umano’y paniniwala ng ilang fans na kasal na at sa katunayan ay may mga anak na sila ng aktor, bagay na nilinaw at itinanggi ni Maine.

Basahin: Maine Mendoza, nilinaw sa mga diehard AlDub fans na wala silang anak ni Alden Richards – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Kasunod nito, ilang video naman online ang agad na kumalat kung saan ipinapakita umano ang tila mala-kulto nang fans club ng 2015 couple phenomenon.

Sa isang Facebook group, sumabog online ang nasa 36 segundong clip ng umano’y Aldub fans na may hawak-hawak na kandila at sabay-sabay na kumakanta.

Kapansin-pansin din ang salitang “ALDUB” sa likod ng t-shirt ng mga dumalo.

“This is insanity,” paglalarawan ng uploader.

This video was from A**ub fans (cult) celebrating Tamang Panahon and naniwala na M[aine] and A[lden] are married and have kids pero tinatago daw lang nila,” dagdag nito sa pinag-usapang interview ng aktres.

Sa hiwalay na video sa Twitter, makikita naman sa 11 segundong clip ang ilang fans pa rin ng Aldub, na may hawak pa rin ng kandila, at tila pinapupurihan ang sikat na online loveteam.

Claim ng ilang netizens, parehong okasyon umano ito sa unang viral Facebook video.

"Mabuhay ang Aldub Nation. Mabuhay si Alden. Mabuhay si Maine. Mabuhay ang Aldub," maririnig na sambit ng tila nagsilbing host ng event.

https://twitter.com/PopoCARAT/status/1588437569964236801

Habang wala pang kumpirmasyon sa detalye ng video, hindi naman makapaniwala ang maraming netizens sa tila marubdubing paghanga ng mga fans Eat Bulaga power couple.

Matatandaan ang naging showbiz entry ni Maine sa sikat noon na Kalyeserye tampok nga ang sinubaybayang "Aldub."

Nauna nang ibinahagi ni Maine na nadamay maging ang ilang espesyal na tao sa kaniyang buhay matapos talikuran ng die-hard fans ang aktres kasunod ng kaniyang rebelasyon sa relasyon nila ni Kapamilya actor Arjo Atayde noong 2019.

Basahin: Maine, humingi ng tawad sa pamilya ni Arjo matapos tirahin ng kaniyang sariling fans – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“S’yempre, nag-apologize po ‘ko do’n sa mga taong involved, privately din. Like kina sa family ni Arjo. So inexplain ko naman po na, ‘Pasenys na po kasi wala po akong magawa. Although I tried my best to reach out to them para po mahinto na lahat ng ginagawa nila pero ayaw po talaga ‘kon pakingan,” ani Maine.

Matapos ang mahigit tatlong taong relasyon, na-engaged si Maine kay Arjo noong Hulyo ngayong taon.

“So parang nagma-matter po sa akin na mag-reach out dun sa mga taong involved na naapektuhan din po at nasasaktan,” dagdag niya.

Sa paglaon, aminado rin si Maine na unti-unti na rin niyang natututunan ang “art of dedma.”