Proud na iflinex ni Kapuso actor-host Juancho Triviño ang ilang tagpo sa kaniyang college graduation nitong Sabado.

Sa dalawang larawan sa kaniyang IG post, makikita ang nakatogang aktor at ang kaniyang throwback picture unang mga taon sa kolehiyo.

Kinilala naman ni Juancho ang kaniyang mga magulang sa likod ng kaniyang academic success.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Thanks Mom and Dad again, (even if this is my second graduation, first na face to face) for helping me reach this point,” aniya.

Sa kaniyang IG stories, ilang tagpo pa ang ibinahagi ng aktor kabilang ang kaniyang pagmartsa mismo sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay.

Juancho Triviño/IG story

Juancho Triviño/IG story

Bumuhos naman ang pagbati kay Juancho mula sa ilang kasamahan sa showbiz.

Basahin: ‘Padre Salvi’ Juancho Triviño, nominado para sa kaniyang pagganap sa ‘Maria Clara at Ibarra’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kabilang sa mga nagpaabot ng pagbati ang kapwa Maria Clara at Ibarra stars na sina Barbie Forteza at Manilyn Reyes.

Bumati rin sa aktor sina Kapuso stars JC Tiuseco at Dingdong Dantes.