Isang guro ang naiulat na nasawi habang 46 pang kasamahang guro ang nasugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang school service sa Barangay Tala, Orani, Bataan nitong Sabado ng umaga.

Kinumpirmani Bataan Police chief, Col. RomellVelasco sa panayam sa telebisyon, na isang babaeng guro ang namatay sa aksidente.

Gayunman, tumanggi munang isapubliko ang pagkakakilanlan ng nasawi.

Ang mga nasugatan na pawang guro ng Payatas Elementary School sa Quezon City ay nananatili pa rin sa Orani Emergency Hospital, ayon sa pulisya.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, aksidenteng nahulog sa bangin sa bahagi ng pakurbadang Vicinal Road ang school bus na service ng Department of Education (DepEd) na minamaneho ni Marcelino Oliva, 62, taga-San Jose del Monte, Bulacan, matapos umanong pumalya ang preno nito.

Naiulat ng pulisya, galing sa isang farm resort ang mga guro kung saan idinaos ang isang seminar, at pauwi na sila sa Quezon City nang maganap ang aksidente.