Labis na pagluluksa ang kamakailang ibinahagi ng singer-songwriter na si Daryl Ong sa kaniyang social media kasunod ng maagang pagpanaw ng kaniyang ina.

Sa Instagram, kalakip ang mga larawan nila ng kaniyang “Mami,” ipinaabot ni Daryl ang malungkot na balita sa publiko.

“I never thought na mawawalan ako ng nanay ng ganito kaaga sa buhay,” mababasa sa Instagram post ng singer noong Lunes.

“My life will NEVER be the same without you. I will miss you terribly, until I see you again one day, in heaven. No more pain Mami. I love you so much,💔🙏🏼” dagdag ni Daryl.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Agad namang bumuhos ang pakikiramay mula sa kaniyang mga kaibigan sa showbiz.

“Sending my deepest sympathies and condolences, kapatid🙏🏼,” komento ni Kyla.

“Mahigpit na yakap bro,” saad ni Erik Santos.

“My condolences bro,” ani Mark Bautista.

“Mahigpit na yakap bro Da…sending love and comdolences, 🙏🏼🙏🏼” pakikiramay ni Kris Lawrence.

“My condolences Da, sayo at sa buong family mo.. 🙏🏾🙏🏾 Prayers and hugs Da,🤍🙏🏾” ani Liezel Garcia.

“So sorry for your loss Daryl, our sincere condolences, 🙏” pakikiramay ni Kapuso actor Richard Yap.

Nagpaabot din ng pagdamay sa singer sina Allan K, Donita Nose at kapwa singer na si Anthony Rosaldo.

Bumuhos din ang pakikiramay ng fans at followers sa pamilya ng singer.