Isinailalim na sa state of calamity ang Tuguegarao City sa Cagayan dahil na rin sa malawakang pagbaha dulot ng bagyong Paeng.

Inilabas ng konseho ng lungsod ang hakbang batay sa rekomendasyon ng city disaster office.

Dahil dito, mapapabilis na ang pamamahagi ng ayuda sa mga naapektuhang pamilya.

Ipinatutupad na ng city government ang price freeze sa mga pangunahing bilihin.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa huling datos ng disaster office sa naturang lugar, nasa 11,482 pamilya ang naapektuhan ng matinding pagbaha sa 40 barangay.

Mapakikinabangan din ng mga magsasaka ang calamity fund na ilalabas ng Tuguegarao City.

Bukod dito, pinayuhan din ng gobyerno ang mga magsasaka na mag-apply ng calamity loan at crop insurance claim.

Sa pahayag naman ng Department of Agriculture (DA), umabot na sa ₱2.7 bilyon ang napinsala sa sektor ng agrikultura bunsod ng bagyo.