Nasa₱8 milyong halaga ng puslit na sigarilyo ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Zamboanga City kamakailan na ikinaaresto ng dalawang suspek.

Sa report ng BOC-Zamboanga, nakatanggap sila ng impormasyon na ibinibiyaheng isang elf van truck ang mga puslit na sigarilyo sa lungsod.

Kaagad na nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS),Regional Special Operating Group (RSOG), at Zamboanga City Police Office (ZCPO) na nagresulta sa pagkakaharang ng naturang kontrabando sa Baliwasan Moret, Brgy. Baliwasan, nitong Nobyembre 2.

Nasamsam ng mga ang 270 kahon ng sigarilyo at sasakyang ginamit ng mga suspek.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Section 1113 (a), Section 117 ng Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act of 2016) ang mga suspek na nasa kustodiya na ng BOC.