Dahil sa pagpapakatotoo ni Eat Bulaga mainstay Maine Mendoza sa kaniyang relasyon kay Kapamilya actor Arjo Atayde noong 2019, matatandaan ang naging pag-atake hindi lang sa intensyon ng aktor ngunit maging sa pamilya nito.

Ito ang ibinahagi ng aktres sa isang panayam nitong Huwebes.

Basahin: Maine Mendoza, nilinaw sa mga diehard AlDub fans na wala silang anak ni Alden Richards – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Habang marami pa rin ang nanatiling fans na nakaunawa noon sa kaniya, hindi umano mapigilan ni Maine na depensahan ang mga taong nadadawit sa aniya’y “delusion” ng ibang Aldub fans.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Meron mga ibang tao na nanahimik na nada-drag sa isyu. And ‘yung character assassination, palagi po ‘yan ever since,” ani Maine.

Pag-amin pa niya, ipinagpapasa-Diyos na lang aniya ang mga taong patuloy pa rin ang pag-atake sa ilang espesyal na tao sa kaniyang buhay.

Basahin: Maine Mendoza, 4 na kapatid, may sari-sariling franchise ng kilalang fast food chain, gasolinahan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa kabila nito, hindi pa rin umano napapagod sa pribadong paninita ang aktres dahil aniya, “meron talaga na ayaw tumigil.”

“S’yempre, nag-apologize po ‘ko do’n sa mga taong involved, privately din. Like kina sa family ni Arjo. So inexplain ko naman po na, ‘Pasenys na po kasi wala po akong magawa. Although I tried my best to reach out to them para po mahinto na lahat ng ginagawa nila pero ayaw po talaga ‘kon pakingan,” ani Maine.

Matapos ang mahigit tatlong taong relasyon, na-engaged si Maine kay Arjo noong Hulyo.

“So parang nagma-matter po sa akin na mag-reach out dun sa mga taong involved na naapektuhan din po at nasasaktan,” dagdag niya.

Sa paglaon, aminado rin si Maine na unti-unti na rin niyang natututunan ang “art of dedma.”