Usap-usapan ngayon ang umano'y pag-unfollow ng mag-inang Jaclyn Jose at Andi Eigenmann sa isa't isa, sa kani-kanilang Instagram accounts.

Ayon sa ulat ng entertainment/showbiz site na "Fashion Pulis", napansin umano ng mga netizen na hindi na naka-follow sa isa't isa sina Jaclyn at Andi.

Screengrab mula sa IG nina Jaclyn Jose at Andi Eigenmann via Fashion Pulis

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaang nagpahayag ng tila pagkadismaya si Jaclyn sa kaniyang Instagram post noong birthday niya, na tila raw nakalimutan siyang batiin ng anak, gayundin ang partner nitong si Philmar Alipayo.

Ngunit ang apo nitong si Ellie na anak nina Andi at aktor na si Jake Ejercito ay nakappag-Facetime pa sa kaniyang lola.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/02/jaclyn-jose-nagdiwang-ng-kaarawan-andi-at-philmar-nakalimutang-bumati/">https://balita.net.ph/2022/11/02/jaclyn-jose-nagdiwang-ng-kaarawan-andi-at-philmar-nakalimutang-bumati/

Espekulasyon tuloy ng mga netizen, posible kayang may tampuhan ang mag-ina?

Sa latest Instagram post ni Andi ay ipinakita niya ang paggawa at pagkain nila ng dried fish nina Philmar at mga anak.

Samantala, wala pang paglilinaw mula kina Jaclyn o Andi tungkol dito.