Up close and personal na napanuod ni Kim Chiu ang K-pop female supergroup na BLACKPINK sa Georgia sa Amerika sa kabila ng lagareng schedule.

Ito ang masayang ibinahagi ng Kapamilya actress sa kaniyang Instagram nitong Biyernes.

Aniya, best night, best concert, best girls at best side trip ever ang literal na paglipad niya sa Southern US State para lang mapanuod ang BLACKPINK.

Naisingit kasi ng Kapamilya actress ang concert sa kabila ng abalang pahahanda para sa Las Vegas show ng “Asap Natin ‘To” ngayong Nob. 5.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“8 hours of standing was super worth it saw them up close and personal with matching eye contact, wave wave, and smile smile. ANG GANDA AND ANG SAYA NG CONCERT!!!” mababasa sa IG post ng aktres.

Pagbabahagi pa niya, present din siya sa sound check performances ng grupo, ilan lang sa perks ng VIP ticket holders.

“OA yung feeling kahit na nilalabanan ko yung jet lag ko and all grabe no words can describe as a BLINK, this trip is super-mega worth it. Flew back and forth early morning flight alone to Georgia back to Vegas with happiness and kilig in my blink heart!!💗” anang Chinita Princess.

Ilang kapwa celebrities naman ang napa-sana all na lang sa ultimate fangirl moment ni Kim.

Kabilang sa kanila sina Kapuso young actress Cassy Legaspi, kapwa “It’s Showtime” host na si Jackie at Kapamilya actress Loisa Andalio.

Samantala, sa Marso 24, 26, 2023, nakatakdang magconcert sa Pilipinas ang BLACKPINK.