Gattaran, Cagayan -- Isang 17-anyos na dalaga ang umano'y ginahasa at inabuso ng kaniyang sariling ama sa loob ng 12 taon.

Nito lamang Huwebes, Nobyembre 3 nagsampa ng reklamo sa himpilan ng pulisya sa Gattaran ang biktima kasama ang kaniyang lola at iba pang kamag-anak.

 "Twelve years, this is how long the ordeal of a victim she suffered at the hands of her own father being raped," saad ng pulis. 

Base umano sa pahayag ng biktima, paulit-ulit siyang ginagahasa sa loob ng 12 taon na iyon. Hindi rin umano nagkaroon ng pagkakataong magsumbong sa pulisya dahil tinatakot daw siya ng kaniyang ama. 

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Samantala, inaresto ng awtoridad ang suspek na si alias Doming, 39, sa kaniyang bahay sa Brgy. Pina Este, Gattaran Cagayan.

Narekober mula sa suspek ang isang baril, dalawang bala, isang hand grenade, at ilang gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 8353 or Anti Rape Law, RA 10591 for the Comprehensive Firearms Regulation Act, RA 9516 or Illegal Possession of Explosive and RA 9165 or Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.