Nasa 10 katao na ang naiulat na nasugatan sa pagsabog ng pagawaan ng paputok sa Sta. Maria, Bulacan nitong Huwebes.

Sinabi ni Sta. Maria Police chief, Lt. Col. Christian Alucod, walo sa nasabing sugatan ay pawang trabahador ng pagawaan ng paputok.

Ginagamot pa sa Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital ang 10 na nasugatan, kabilang ang may-ari ng pabrika, dahil sa lapnos sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Alucod, ang insidente ay naganap sa Sitio Manggahan, Barangay Pulong Buhangin, Sta Maria nitong Huwebes ng hapon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nauna nang inihayag ni Alucod na dapat ay malayo sa residential area ang pagawaan ng paputok para na rin sa kaligtasan ng mga residente.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente.