May alay na nakakakilig na mensahe ang coach na si Julius Naranjo sa kanyang asawa na si Hidilyn Diaz, Filipina weightlifter at Olympic gold medalist.

Ani Julius, tila ay pelikula kung maituturing ang naging takbo ng kanilang relasyon. Sa lahat ng pinagdadaanan nila, mabuti man o masama, palagi nilang pinipili ang isa't-isa.

Tapat na ibinahagi rin ni Julius na hindi naging madali ang kanilang karanasan.

Mensahe pa ni Julius, nawa'y patuloy nilang buuin ang kanilang kinabukasan nang magkasama para sa kanilang relasyon at para sa weightlifting, na siyang nagbuklod pa lalo sa kanilang pagmamahalan.

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, 7 buwan kinarga naaagnas na labi ng namatay na anak bago binitiwan

"Dear Wife,

"If we could tell our story of the last 5 years, we’d be able to make a movie.

"We’ve experienced the unimaginable and have achieved something we’ve never would’ve imagined together. But with all the things we’ve been through, the good and bad, we’ve always choose each other.

"I’ll be honest it’s not always easy, it hardly ever is, and if everyone could only understand our story, I think there’d be a different perspective on us. But it only makes our journey even more meaningful and allows us to work on being better people.

"To more Journeys, hardships, pain, and success. Let’s continue to build our future for US and for Weightlifting.

"Happy Anniversary.

- Husband."

Iba't ibang personalidad rin ang bumati sa kanilang anibersaryo, kabilang na rito sina Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, at film producer na si Noel Ferrer.

Matatandaan na taong 2017 nang nagkakilala ang dalawa at kalaunan ay nagkapalagayan ng loob.

Taong 2021 naman nang mag-propose si Julius kay Hidilyn, na sinagot naman ng malaking "YES" ng gold medalist.

Ngayong taon, ikinasal si Hidilyn kay Julius.