Makararanas ng matinding pag-ulan sa Eastern Visayas, Bohol at ilang lugar sa Mindanao dahil na rin sa umiiral na low pressure area (LPA).

Sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan ang LPA 420 kilometro silangan ng General Santos City.

Maaapektuhan ng malakas na pag-ulan ang Eastern Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, Soccsksargen, Bohol, Lanao del Sur, at Maguindanao.

Babala ng PAGASA, asahan ang flash flood at landslide sa mga nabanggit na lugar.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nilinaw ng ahensya, ang nasabing LPA ay dating bagyong Queenie.

PNA