Mukhang tumitindi ang sagutan ng kapwa vloggers at social media personalities na sina Doc Adam Smith at Rendon Labador sa social media, matapos mag-react ang huli sa naging pahayag ng una, tungkol sa uri ng content sa vlogs na kinokonsumo at tinatangkilik ng mga Pilipino.

Walang takot at filter na sinabi ni Doc Adam na ang kadalasang patok na vlogs sa mga Pinoy ay "pranks", "tsismis", o "poverty porn".

"The most famous vlogs in the Philippines are mindless dumb pranks, tsismis or poverty porn," aniya sa kaniyang Facebook post noong Lunes, Oktubre 31.

"Bukod pa dyan these vloggers promote and sell unethical bs to their audience. gambling, networking companies and expensive vitamins or “weight loss” drinks are all commonly seen being promoted on their channels," dagdag pa niya.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

"In other countries, vloggers become famous for travel, food, commentating on topical issues, catching and debunking scammers, and science."

Kaya tanong niya, "When will the Philippine audience learn to appreciate content that offers them value? When will Filipinos stop wasting their lives consuming rubbish, mindless and at times harmful vlogs?"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/31/doc-adam-ibinahagi-ang-obserbasyon-tungkol-sa-bet-na-content-ng-vlogs-ng-mga-pinoy/">https://balita.net.ph/2022/10/31/doc-adam-ibinahagi-ang-obserbasyon-tungkol-sa-bet-na-content-ng-vlogs-ng-mga-pinoy/

Halo-halo naman ang naging reaksiyon at saloobin dito ng mga netizen. Nagkomento naman dito si Rendon Labador, kilalang fitness instructor, vlogger, at motivational speaker.

"May right ang bawat tao piliin ang mga content na gusto nilang i-consume. Hindi na natin control yun Doc. We need to work hard para slowly mabago ang mindset ng mga Pilipino. WE HAVE NO CHOICE," ayon kay Labador, na tumunog ang pangalan kamakailan dahil sa pagkasa sa hamon ni "Pinoy Sakuragi" Marc Pingris na mag-one-on-one sila sa basketball.

Payo pa ni Labador, magpokus lamang sa sariling content dahil ito lamang ang kayang kontrolin ng sinumang vloggers at social media influencers na kagaya nila. Hayaan daw ang viewing public na magdesisyon kung aling content ang bet nilang i-consume, tangkilikin, o suportahan.

Sana rin daw, hindi mawalan ng motibasyon ang iba pang vloggers at content creators na gumawa pa ng iba't ibang value- driven contents.

"There is hope," ani Rendon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/02/rendon-labador-binara-si-doc-adam-tungkol-sa-saloobin-niya-sa-uri-ng-vlogs-na-tinatangkilik-ng-pinoy/">https://balita.net.ph/2022/11/02/rendon-labador-binara-si-doc-adam-tungkol-sa-saloobin-niya-sa-uri-ng-vlogs-na-tinatangkilik-ng-pinoy/

Ibinahagi naman ni Doc Adam ang social media post ni Rendon at kinomentuhan.

"Rendon Labador, I thought you were a Motivational speaker yet what you say somehow Demotivate's me #Rendon 'DemotivatesMe' Labador," aniya.

Dagdag na hirit pa ni Doc Adam, "Rendon just MOTIVATED me to buy 449 peso Fat burner Coffee, Thanks for the 'Motivation' Rendon, I'm feeling so dam motivated right now."

Tumugon naman dito si Rendon, "Bakit ang mga doctor nasa social media na? Wala na ba kayong mga pera?"

Umani ito ng sangkatutak na reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Sa isa pang Facebook post nitong Nobyembre 1 ay muling pinatutsadahan ni Doc Adam si Rendon.

"Rendon Labador is a motivational speaker, he just motivated me to start Online Gambling and drink Fat Burning coffee, thanks Rendon for making motivating me to make healthy life choices. I'm feeling so motivated right now."

Screengrab mula sa FB ni Doc Adam

Hindi naman ito pinalagpas ni Rendon at kinomentuhan.

"Yung gambling kasi Doc Adam pang mga doctor lang yan na merong 'extra' money, ngayon kung saktuhan lang ang pera mo tapos hindi mo pa tapos lahat ng kaso against you… I don’t recommend recreational gambling to you," banat nito.

Screengrab mula sa FB ni Doc Adam

Nagbigay rin siya ng kaniyang opinyon tungkol sa gambling.

"Gambling is a privilege of successful people. Kung wala kang pera, gambling is not for you."

"Reality ang gambling ay malaking part ng Philippine economy. Mas madami lang kasing mahihirap na umaabuso sa libangan na para lang sa may mga pera."

Screengrab mula sa FB ni Doc Adam

Sa kaniyang sariling Facebook account ay tinanong ni Rendon ang mga netizen kung ano ang opinyon nila tungkol sa naging salungatan nila ng mga ideya ni Doc Adam.