Patay ang isang pinaghihinalaang magnanakaw ng motorsiklo matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa Cabanatuan City, Nueva Ecija kamakailan.

Dead on the spot ang suspek na nakilalang siCrisanto Reyes dahil sa mga tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Sa natanggap na report niPolice Regional Office (PRO) Region 3 Director Brig. Gen. Cesar Pasiwen, naalarma ang mga tauhan ng Cabanatuan City Police nang makatanggap ng impormasyon na isang motorsiklo ang ninakaw sa bahagi ng Barangay Kapitan Pepe nitong Lunes dakong 12:30 ng madaling araw.

Naamataanumano ng mga nagpapatrulyang pulis ang suspek na lulan ng sinasabing ninakaw na motorsiklo saPurok Centerville, Brgy. Dionisio S. Garcia, Cabanatuan City.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Tinangka umanong parahin ng mga pulis, gayunman, binaril umano sila ng suspek.

Dahil dito, nakipagbarilan ang mga awtoridad na nagresulta ng pagkamatay ng suspek.

Narekober sa encounter site ang isang motorsiklo, isang Cal. 45 pistol at tatlong basyo ng bala.