Proud na ibinahagi ng online personality na si Madam Inutz ang kaniyang skincare products na aniya’y binusisi at pinaghandaan ng isang taon.

Sa kaniyang social media post noong Linggo, iflinex na nga ng online star ang bagong brand sa ilalim ng kaniyang pangalan.

Pagmamalaki pa ni Madam Inutz, all the way from Japan pa umano ang premium ingredients ng kaniyang produkto.

Agad naman na nagpaabot ng kanilang pagbati ang kaniyang manager na si Wilbert Tolentino, at kapwa talent nito na si Miss Planet Philippines 2022 Herlene Budol sa bagong career milestone ni Madam Inutz.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Maraming followers din ng online personality ang agad na nagpahayag ng interes para maging reseller ng naturang produkto.

Mula pagkanta, vlogging, tila all-out naman ngayon si Madam Inutz sa pagnenegosyo.