Handa nang iwagayway ni Miss Planet Philippines 2022 Herlene Budol ang bandera ng bansa sa kaniyang international pageant sa darating na Nobyembre 19.

Ito ang ibinahagi ng beauty queen sa kaniyang Instagram, Miyerkules.

“Manalo o matalo suportahan nyo pa rin ako hanggang sa dulo ah. Love you all at isama nyo ako sa prayers niyo,” anang ani Herlene.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Basahin: Wilbert Tolentino, gagastos ng professional translator para sa pagsabak ni Herlene Budol sa int’l pageant – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang nging abala sa kaniyang paghahanda si Herlene para sa kompetisyon.

Nariyan ang kaniyang pagpapalawak ng adbokasiya hanggang sa ilang technical trainings.

Basahin: Herlene Budol, nanawagan para sa sustainable tourism – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang pormal na ring inedorso ng Binibining Pilipinas ang kandidata kamakailan.

Tumatalima sa Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations Development Program (UNDP) ang pageant brand.