Umabot na sa 121 ang naitalang nasawi sa paghagupit ng bagyong Paeng sa bansa kamakailan.

Ito ang kinumpirma ngNational Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkules at sinabing 103 ang nasugatan at36 iba pa ang nawawala.

Sa datos ng NDRRMC, mahigit sa 3.1 milyong residente o katumbas ng 927,822 pamilya ang naapektuhan sa 73 lalawigan sa buong bansa.

Inilikas naman sa kani-kanilang lugar ang 869,278 na indibidwal kung saan karamihan sa mga ito ay nananatili sa mga evacuation center.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nasa 11,294 na bahay ang napinsala ng bagyo.

Naapektuhan din ang141 imprastraktura kung saan aabot sa₱896 milyon ang halaga ng pinsala.

Kamakailan, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang pamamahagi ng relief goods sa mga naapektuhan ng matinding pagbaha sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao.