Matutuloy pa rin ang pagsasagawa ng Bar examinations ngayong Nobyembre sa gitna ng panawagang kanselahin muna ito dahil sa pinsalang idinulot ng bagyong Paeng sa bansa, ayon sa Supreme Court (SC).

“Per SC Spokesperson, Atty. Brian Hosaka: The 2022 Bar Exams will proceed on November 9, 13, 16, and 20 as originally scheduled and announced in Bar Bulletin No. 6, S. 2022,” ayon sa Twitter post ng Public Information Office (PIO) ng SC nitong Martes.

Noong Agosto 24, itinakda ng Korte Suprema ang mga petsa ng taunang qualifying exams para sa magiging abogado ngayong taon.

Isasagawa ng pagsusulit sa 14 local testing center sa bansa.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Inaasahang sasalang sa Bar exams ang aabot sa 10,000 examinees, ayon sa PIO ng SC.

“The latest information I received last week is that there are 9,916 expected examinees for the 2022 Bar Exams to be held on November 9, 13, 16, and 20. There were originally 10,075 approved applicants for the Bar exams this year,” ayon kay Hosaka.

Matatandaang idinaan sa social media ang mga panawagang ipagpaliban muna ang 2022 Bar examinations dahil na rin sa matinding pinsalang iniwan ng bagyo sa bansa.