Twinning sa kanilang superhero Halloween costumes ang showbiz couple na sina Loisa Andalio at Ronie Alonte nitong Lunes ng gabi.

Sa ibinahaging mga larawan ni Loisa sa kaniyang social media, parehong fictional heros na sina Black Widow at Spiderman, ayon sa pagkakasunod-sunod, ang tema ng dalawa para sa Halloween ngayong taon.

Instant viral ang post ng aktres na agad na inulan ng libu-libong hearts at likes sa parehong Instagram and Facebook.

Tila agad naman ding naging kontrobersyal ang larawan ni Ronnie dahil sa hapit nitong costume dahilan para may mapansin ang netizens.

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

Kaya may agad na hirit ng girlfriend na si Loisa sa netizens.

“Mga mare mata niyo ha!” komento ng aktres sa mismong Facebook post, Sabado.

Ikinaaliw ng kanilang fans ang maagap na reaksyon ni Loisa sa viral na nilang larawan ni Ronnie.

Sa pag-uulat, nasa mahigit 65,000 reactions sa Facebook at 160,000 likes ang inani ng kanilang Halloween post mula sa netizens.