Hindi na nakapagpigil ang young singer na si Elha Nympha na mag-react sa mga umano'y "mema" comments tungkol sa latest cover niya ng kantang "Wonderful Tonight."

“Sa mga nagsasabing mas maganda yung… or ang pangit ng cover na to edi sana pina billboard niyo gawa kayo ng sariling niyo cover na mag sasatisfy ng expectations niyo di ko kayo need i please, im doing may own thing and wala akong pake sa inyo except for my TRUE FANS," sey ni Elha sa kaniyang YouTube channel.

"Libre naman maging mema at nega pero wag sa channel ko pero thank u padin daming views and im gaining because of u all hehehehhehez thank u all," dagdag pa niya.

Sa isa pang comment, sinabi ng singer na maglalabas ulit siya ng isa pang cover ng kanta. Nagpasalamat din siya sa mga nagrequest ng "Wonderful Tonight."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Hey y’all!! Next week Nov 6. Sunday I’ll post the EP.2 How am I supposed to live without u. Thank u so much sa mga nag request ng song na to! I posted this song cover for my fans and just to remind u guys this is a song cover not a competition. I want everything to be simple, raw and LIVE. I’m not really a fan of reverb instead i put compressor to my mic so that it’ll sound more natural. And for those who were asking why i didn’t use a condenser mic is because my mic SKM 6000 has a condenser mic capsule already hahahah. So yeah what a good start thank y’all for watching see u next weeeeek," ayon pa sa kaniya sa hiwalay na comment.

Bukod dito, naghayagpa siya ng pagkadismaya sa Twitter nitong Oktubre 30. Aniya, kaya raw ayaw niyang mag-vlog dahil sa mga "memang comment."

"Nakakabwisit lang ung mga memang comment sa youtube ko, feeling pro grabe edi sana kayo na nag organize ng setup ko? Kayo nag mix ang master At kayo nalang din kumanta? Hays one of the main reason I don't like to vlog nor post anything sa yt ko is because of them!" tweet ni Elha ngunit ito ngayon ay deleted na.

“Nakaka walang gana if they only know the effort and sweat na binigay ko para dito," saad pa niya sa isang tweet.

Nakilala si Elha Nympha nang sumali at nanalo siya sa The Voice Kids noong 2015.

KAUGNAY NA BALITA: https://balita.net.ph/2022/10/16/feeling-maganda-raw-elha-nympha-kibit-balikat-lang-sa-bashers-na-umookray-sa-kaniyang-hitsura/