Naging usap-usapan muli kamakailan ang umano’y naudlot na pag-oober-da-bakod ni Enrique Gil sa GMA 7 kung saan imposibleng demand at "malaking insulto" umano ang hiningi nito sa Kapuso Network.

Ito ang mainit na chika ng showbiz columnist at kilalang insider na si Cristy Fermin kamakailan dahilan para mapag-usapan online ang bali-balita.

Matatandaang ang napurnadang “Make It With You” nila ng onscreen at real-life partner na si Liza Soberano ang naging huling proyekto ng aktor sa ABS-CBN.

Matapos nito, no-show na ang Kapamilya royalty pair dahil sa kani-kanilang personal na business at sa dalawang taong pandemya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Basahin: ‘Malaking insulto!’ Enrique Gil, ‘demanding’ raw kaya napurnada pagiging Kapuso, ispluk ni Cristy – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Babalikan sa ulat ni Cristy, kasama ang kaniyang co-host na si Romel Chika, ang umano’y pagde-demand ni Enrique sa Kapuso Network bago ito tuluyang lumipat sa Kamuning.

Dagdag na detalye nito, mas bet at malinaw na kondisyon umano ni Enrique na partikular na mula sa creatives ng ABS-CBN ang gagawa ng kaniyang project sa GMA. Ito'y mula umano sa writers hanggang direktor ito, dagdag ng dalawa.

Sabay-sabay na pinabulaanan naman ng isang ulat ng PEP nitong Lunes, ang mga claims nina Cristy at Romel, ayon sa hindi pinangalanang source.

Anang PEP report, lumang balita na raw ito na binuhay lang kamakailan.

Gayunpaman, kumpirmado na umanong nagtapos na ang exclusive contract ni Enrique sa Kapamilya Network.

Pareho rin umanong hinihintay ng aktor ang magiging panliligaw ng dalawang network sa pamamagitan ng offers.

Nauna nang sinabi ni Ogie Diaz, ang ex-manager ni Liza, na magiging malaking factor din ng pipiliing network ni Enrique ang pipiliin ding tahanan ng kaniyang girlfriend.

Mukhang wala nga yatang balak, o hindi pa handa ang dalawa na magkahiwalay sa magkaibang TV Network.

Ang LizQuen ay kasalukuyang isa sa pinakasikat na love team sa Philippine entertainment.