Nakalabas na sa Pilipinas ang bagyong Paeng habang mananatili ang lakas ng bagyong 'Queenie' sa susunod na 12 oras.
Wala na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Paeng at huling namataan sa bahagi ng West Philippine Sea palayo ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa kabila nito, isinailalim pa rin sa Signal No. 1 ang Abra, western, southern portion ng Ilocos Norte (Badoc, Pinili, Banna, Nueva Era, City of Batac, Paoay, Marcos, Currimao, Dingras, Solsona, Sarrat, San Nicolas, Laoag City, Piddig), Ilocos Sur, La Union, central at western portions ng Pangasinan (Basista, Lingayen, Villasis, City of Alaminos, Anda, Malasiqui, San Fabian, Urbiztondo, Bautista, Mangaldan, Mapandan, Burgos, Dagupan City, Binalonan, Bolinao, Aguilar, Alcala, Sual, Labrador, Bani, Santo Tomas, Pozorrubio, City of Urdaneta, Laoac, Mangatarem, Mabini, San Carlos City, Manaoag, Binmaley, San Jacinto, Bugallon, Bayambang, Infanta, Agno, Calasiao, Santa Barbara, Dasol, Sison), central at western portions ng Tarlac (San Jose, Mayantoc, Capas, San Clemente, Santa Ignacia, Camiling, Moncada, Paniqui, Gerona, City of Tarlac, Bamban), at northern at central portions ng Zambales (Botolan, Iba, Candelaria, Cabangan, Palauig, Santa Cruz, Masinloc, San Felipe).
Sinabi ng ahensya, magdudulot pa rin ng matinding pag-ulan ang bagyong Paeng sa Batanes, Zambales, at Bataan.
Posible ring makaranas ng malakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera, Cavite, Batangas, southern portion ng Quezon, Western Visayas, Babuyan Islands, Mimaropa (Region 4B), at sa natitirang bahagi ng Central Luzon.
Huling namataan ang bagyong 'Queenie' 695 kilometro silangan timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, dala ang lakas ng hanging 65 kilometers per hour (kph) at busgong 80 kph.
Gayunman, posibleng humina ang bagyo sa Martes ng umaga o gabi bago nito tahakin ang Caraga-Eastern Visayas area.
"Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are possible," babala pa ng ahensya.