Nasaksihan mismo ni Kuya Kim Atienza gayundin ang kasamang team ng "Dapat Alam Mo" ang naganap na kahindik-hindik na stampede ng masaya sanang Halloween street party sa Itaewon District sa Seoul, South Korea, ayon sa kaniyang pag-uulat sa "24 Oras".

Nagkataong naroon sina Kuya Kim at ang team ng DAM upang i-cover ang naturang Halloween party, nang hindi inaasahang maganap ang naturang insidente.

Mismong si Kuya Kim ang nag-ulat nang live sa 24 Oras ay isinalaysay niya ang mga pangyayari. Aniya, hindi umano alam ng ilang kabataan na marami nang tao sa pupuntahan nilang makitid na eskinita sa Itaewon District nang magkaroon ng tinatawag na "crowd crashed". Ang ibang kabataan daw ay kinapos ng hininga at inatake sa puso dahil sa labis na kakapalan ng mga taong dumalo rito.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Ayon sa kaniyang latest update as of October 31, ang latest casualties ay 156 bata at 26 foreigners.

"Korea declares a national week of mourning, all Kpop, recreational events suspended, all flags flown half mast," saad ni Kuya Kim.

Bukod kay Kuya Kim, nasaksihan din ni creative and events director for Miss Universe Philippines na si Jonas Gaffud at kaniyang team ang naturang stampede.

"Reading all about the news now on what happened in Itaewon. It got scary when I thought I would die during the stampede. I was near an ambulance and I was hoping I could escape,” saad ni Gaffud sa kaniyang Facebook post, umaga ng Oktubre 30.

“But I was at the end so everyone was pushing each other towards me and I was pushing against the ambulance.”

Wala umanong Pilipinong nasaktan sa naturang aksidente.