Magpapatupad ng katiting na bawas-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa Nobyembre 1.
Kabilang sa magbabawas ng ₱0.25 sa presyo ng bawat litro ng gasolina, ₱0.60 sa presyo ng kada litro ng diesel at ₱0.25 sa presyo ng bawat litro ng kerosene ang Caltex, Shell, SeaOil at PetroGazz
Inaasahang magpapatupad din ng kahalintulad na hakbang ang iba pang kumpanya ng langis sa bansa.
Nagbawas din ng presyo ng kanilang produkto ang ilang kumpanya ng langis nitong nakaraang linggo.
Sa datos Department of Energy (DOE), umabot na sa ₱16.10 ang naibawas sa presyo ng gasolina kaugnay ng sunud-sunod na bawas-presyo nito ngayong taon, ₱37.40 naman ang kabuuang naibawas sa presyo ng diesel at ₱29.20 naman ang naitapyas sa presyo ng kerosene.
Ito na ang ikalawang sunod na linggong nagpaupad ng tapyas-presyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa.
Idinahilan ng mga ito ang paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.