Hindi na kailangang magdeklara ng state of calamity sa bansa bunsod ng idinulot na pinsala ng bagyong Paeng.
"I don’t think it’s necessary. I came to that conclusion in consultation with DENR (Department of Environment and Natural Resources). Sabi, hindi naman kasi extensive. Very highly localized ang damage," lahad ni Marcos sa isang pulong balitaan sa Cavite, isa sa probinsya na lumubog sa baha dahil sa bagyo.
Salungat ang desisyon ng Pangulo sa naging rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) kamakailan na kailangang isailalim sa nationwide state of calamity ang bansa sa loob ng isang taon.
At sa halip ay iniutos ni Marcos ang paglalatag ng long-term solutions upang hindi na magkaroon ng flash flood at maiwasan ang pagkamatay ng mga residente dulot ng bagyo.
Sakaling magkaroon ng nationwide state of calamity, gagamitin ng mga local government unit (GU) ang kanilang calamity fund upang maayudahan ang mga komunidad kasabay na rin ng ipaiiral na price freeze sa mga pangunahing bilihin.