NEGROS ORIENTAL -Patay ang isang miyembro ng New People's Army (NPA) nang makasagupa ng grupo nito ang tropa ng gobyerno sa gitna ng pananalasa ng bagyong Paeng sa Guihulngan City sa naturang lalawigan nitong Sabado.

Hindi panakikilala ng militar ang napatayna rebelde, ayon kay Philippine Army-62nd Infantry Battalion (IB) commanding officer,Lt. Col. William Pesase.

Bago aniya ang sagupaan, nagsasagawa nghumanitarian efforts ang mga tauhan nito sa mga evacuee sa lugar nang makatanggap sila ng impormasyon na namataan ang grupo ng NPA na nangongotong umano sa Barangay Planas.

Nakatakas aniya ang grupo ngmga rebelde matapos ang 30 minutong sagupaan.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Kinagabihan, nakasagupa muli ng tropa ng pamahalaan ang mga rebelde sa Sitio Ilihan, Barangay Buenavista, na ikinasawi ng isa sa mga ito.

“I also would like to emphasize and thank the people for their continued support to us in fighting the insurgency, which is a great contribution to our accomplishments in keeping the peace,” aniya.

Nasamsam sa lugar ng sagupaan ang mga armas, bala at personal na gamit ng grupo.

PNA