Halos ₱2 milyong halaga ng puslit na sigarilyo ang nasamsam ng mga awtoridad sa ikinasang operasyon sa Barangay San Jose Gusu, Zamboanga City kamakailan na ikinaaresto ng isang suspek.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Norben Sangam, 27.

Sa pahayag ni Zamboanga City Police chief, Col. Alexander Lorenzo, dinakip si Sangam sa Sitio Suterville, Brgy. San Jose Gusu nitong Biyernes ng gabi.

Kinumpiska ng pulisya ang 55 kahon ng sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱1.925 milyon.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Ito aniya ay ikalima sa kanilang anti-smuggling operation kung saan ang huli ay isinagawa sa Brgy. Kasanyangan nitong Miyerkules na nagresulta sa pagkasamsam ng ₱1.7 milyong halaga ng puslit na sigarilyo.

Inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kaso laban kay Sangam.

PNA