Abot na sa ₱22.3 milyon ang naipamahaging ayuda sa mga naapektuhan ng bagyong Paeng, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo, nasa 1.2 milyong indibidwal ang nakinabang sa nasabing tulong ng gobyerno.
“DSWD is ready. We have food items. We have non-food items. We have cash.As of 6 AM of October 30, the DSWD has stockpiles and standby funds amounting to more than Php1.4 billion,” banggit ni Tulfo sa panayam sa telebisyon nitong Linggo.
Karamihan sa nabigyan ng tulong ng DSWD ang mga pamilyang nananatili 1,870 evacuation center sa buong bansa.
Ito ay tugon ng ahensya sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Linggo na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pamamahagi ng karagdagang family food packs at tubig na maiinom sa mga naapektuhang pamilya.