Pinasinayaan na at pormal nang binuksan sa publiko ang "Isla Amara" sa Lio Beach sa El Nido, Palawan na pagmamay-ari nina Kapamilya stars Piolo Pascual at Kathryn Bernardo kasama ang iba pang kasosyo, ayon sa ulat.

Ayon kay ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe, sina Piolo at Kathryn ang nanguna sa ribbon-cutting ng kanilang bagong boutique resort sa Palawan, kasama ang kanilang mga kasosyo.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

https://twitter.com/mjfelipe/status/1585936376201064450

Batay pa sa mga ibinahaging tweet ni MJ, makikitang kasama ni Kathryn ang kaniyang boyfriend na si Teen King Daniel Padilla.

"This should shut down all the rumors. In El Nido with Kathryn and DJ. #KathNiel," aniya. Kalakip nito ang mga litrato nila nina DJ at Kathryn.

https://twitter.com/mjfelipe/status/1585922166704336898

Pinabulaanan na rin ni Momshie Karla Estrada ang mga kumakalat na tsikang nagkakalabuan na umano ang KathNiel.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/28/karla-estrada-nagsalita-na-hinggil-sa-isyung-hiwalay-na-ang-kathniel/">https://balita.net.ph/2022/10/28/karla-estrada-nagsalita-na-hinggil-sa-isyung-hiwalay-na-ang-kathniel/

Matatandaang lumutang ang isyung ito dahil sa naging mga sagot nila tungkol sa "loyalty", nang matanong sila sa ginanap na press conference para sa finale ng seryeng "2 Good 2 Be True".

Basahin:https://balita.net.ph/2022/10/27/sagot-tungkol-sa-loyalty-palaisipan-sa-fans-netizens-kathniel-may-pinagdaraanan/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/27/sagot-tungkol-sa-loyalty-palaisipan-sa-fans-netizens-kathniel-may-pinagdaraanan/