Nananatiling lubog pa rin sa baha ang ilang bahagi ng Capiz kasunod ng pananalasa ni Bagyong Paeng sa lugar.

Nauna nang pinangunahan ng Philippine Coast Guard (PCG) Capiz ang rescue operation sa lugar matapos maiulat ang paglubog ng ilang bahagi ng lalawigan.

Nitong Sabado, Okt. 29, agad na nagpadala ng relief goods ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong pamilya sa lugar.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Larawan mula PH Coast Guard

Muli ring nanguna ang PCG sa pagre-repack at pamamahagi ng relief goods sa mga apektadong pamilya sa dalawang barangay sa Sigma, Capiz.

Dahil hindi pa tuluyang humupa ang baha, ang paunang tulong ay isinakay sa mga rubber boat ng PCG upang matiyak na maipapaabot ito ng ligtas sa mga barangay na tinukoy, ang Barangay Cogon at Dayhagon.

Kasalukuyang nakataas ang Signal No. 1 sa Capiz sa pinakahuling update ng Philippine Atmospheric, Geophysical, Astronomical Services Administration (PAGASA).