Isinailalim na sa state of calamity ang Capiz dahil sa pag-ulan at pagbaha na bunsod ng bagyong Paeng nitong Sabado.

Isangresolusyon ang inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Capiz nitong Sabado ng hapon upang maideklara ang state of calamity sa lalawigan dahil sa malawak na pinsala ng bagyo.

Dahil dito, ilalabas na ng provincial government ang pondo nito upang gamitin sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

Sa datos ng Office of Civil Defense (OCD) sa Western Visayas, mahigit na sa 21,000 na pamilya o katumbas ngn 68,000 na indibidwal ang apektado ng baha sa Capiz.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Nasa 112 na barangay ang lumubog na sa baha dahil sa walang tigil na pag-ulan sa probinsya.