Inaasahang makaranas ng matinding pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa sa Metro Manila at anim pang lugar dulot ng bagyong Paeng nitong Sabado ng gabi.

Sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bukod sa Metro Manila, posible ring maranasan matinding pag-ulan, flash flood at landslide sa Bataan, Zambales, CALABARZON, Marinduque, Mindoro Provinces, at sa northern portion ng Palawan, kabilang na ang Calamian at Cuyo Islands.

Umabot na sa 12 na probinsya ang nasa Signal No. 3:

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

  • Central at southern portions ng Zambales (San Marcelino, Subic, Olongapo City, Castillejos, San Antonio, San Narciso, San Felipe, Cabangan, Botolan)
  • Bataan
  • Southern portion ng Bulacan (Hagonoy, Paombong, City of Malolos, Bulacan, Obando, City of Meycauayan)
  • Western portion ng Pampanga (Masantol, Macabebe, Sasmuan, Lubao, Floridablanca, Porac),
  • Metro Manila
  • Southwestern portion ng Quezon (City of Tayabas, Lucena City, Lucban, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio)
  • Laguna
  • Batangas
  • Cavite
  • Rizal
  • Northwestern portion ng Occidental Mindoro (Paluan, Abra de Ilog) kabilang na ang Lubang Islands,
  • Northwestern portion ng Oriental Mindoro (San Teodoro, Puerto Galera, Baco, City of Calapan)

Ipinaiiral naman ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

  • Pangasinan
  • Southern portion ng Aurora (San Luis, Baler, Dingalan, Maria Aurora)
  • Tarlac
  • Nueva Ecija
  • Natitirang bahagi ng Bulacan
  • Natitirang bahagi ng Pampanga
  • Natitirang bahagi ng Zambales
  • Central portion ng Oriental Mindoro (Socorro, Gloria, Bansud, Victoria, Bongabong, Pinamalayan, Pola, Naujan)
  • Central portion of Mindoro (Sablayan, Mamburao, Santa Cruz)
  • Marinduque
  • Northern portion ng Romblon (Concepcion, Corcuera, Banton)
  • Western at central portions ng Camarines Norte (Santa Elena, Labo, Capalonga, Jose Panganiban Paracale, San Vicente, San Lorenzo Ruiz, Daet, Vinzons, Talisay)
  • Western portion ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay)
  • Natitirang bahagi ng Quezon (kabilang na ang PolilloIslands)

Ibinaba naman sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:

  • La Union
  • Kalinga
  • Abra
  • Benguet
  • Ifugao
  • Ilocos Sur
  • Mountain Province
  • Isabela
  • Nueva Vizcaya
  • Quirino
  • Natitirang bahagi ng Aurora
  • Catanduanes
  • Albay, Sorsogon
  • Masbate (kabilang na ang Ticao at Burias Islands)
  • Natitirang bahagi ng Romblon
  • Natititang bahagi ng Camarines Sur
  • Natitirang bahagi ng Camarines Norte
  • Natitirang bahagi ng Occidental Mindoro
  • Natitirang bahagi ng Oriental Mindoro
  • Northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli, Roxas, San Vicente) kabilang na ang Calamian at Cuyo Islands
  • Western portion ng Northern Samar (Lope de Vega, Rosario, Biri, San Isidro, Capul, San Vicente, Victoria, Lavezares, San Antonio, Mondragon, San Jose, Pambujan, Catarman, San Roque, Allen, Bobon, Silvino Lobos)
  • Northwestern portion ng Samar (Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, Tarangnan, Santo Nino, Almagro, Tagapul-An)
  • Northwestern portion ng Leyte (Calubian, San Isidro), northern portion ng Biliran (Maripipi, Kawayan, Almeria, Naval, Culaba)
  • Dulo ng northern portion ng Cebu (Medellin, Daanbantayan) kabilang na ang Bantayan Islands
  • Northern portion ng Negros Occidental (Sagay City, Cadiz City, City of Escalante, Manapla, Enrique B. Magalona, City of Victorias, Silay City, City of Talisay, Murcia, Bacolod City, Bago City, Pulupandan, San Carlos City, Salvador Benedicto, Calatrava, Toboso, Valladolid, La Carlota City)
  • Guimaras
  • Capiz
  • Iloilo
  • Aklan
  • Antique

Nauna rito, hinagupit ng bagyo ang Sariaya, Quezon. Binayo rin ng bagyo ang Catanduanes, Camarines Sur, Buenavista sa Quezon at Marinduque.

Huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng General Mariano Alvarez (GMA) sa Cavite, dala ang hanging 95 kilometers per hour (kph) at bugsong hanggang 115 kph. Kumikilos ang bagyo pa-hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

Napanatili pa rin ng bagyo ang lakas nito habang tinagtahak ang northern portion ng Cavite patungong southern portion ng Bataan nitong Sabado ng gabi.