Inalerto na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko dahil sa inaasahang paghagupit ng bagyong Paeng sa Metro Manila at sa walo pang lalawigan sa bansa.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bukod sa National Capital Region (NCR), nasa Signal No. 3 rin ang Camarines Norte, western portion ng  Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Cabusao, Pasacao, Libmanan, Pamplona), Marinduque, Quezon (kabilang na ang Polillo Islands), Laguna, Batangas, Cavite, at Rizal.

Nitong Sabado ng umaga, huling namataan ang bagyo sa karagatan ng Catanauan, Quezon, dala ang lakas ng hanging 95 kilometers per hour (kph) at bugsong 160 kph.

“Winds of at most storm-force strength may occur within any of the areas where Wind Signal No. 3 is hoisted, while winds reaching gale-force strength are possible within any of the areas where Wind Signal No. 2 is in effect.Areas under Wind Signal No.1 may experience strong winds (strong breeze to near gale strength) throughout the passage of the tropical cyclone,” babala ng PAGASA.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Nasa Signal No. 2 naman ang mga sumusunod na lugar ngCatanduanes,Albay, western portion ng Sorsogon (Pilar, Castilla, Donsol), western portion ng Masbate (Aroroy, Baleno, Mandaon) kabilang na ang Burias Island, southern portion ng Aurora (San Luis, Baler, Dingalan, Maria Aurora),Bulacan,Pampanga,Bataan,Tarlac,Zambales, Nueva Ecija, Pangasinan, ilang natitirang bahagi ngNueva Ecija,Pangasinan, ilang natitirang bahagi ngCamarines Sur,Romblon,Oriental Mindoro, atOccidental Mindoro (kabilang na ang Lubang Islands).

Isinailalim naman sa Signal No. 1 angIsabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Kalinga, Ifugao, Mountain Province,Benguet,Ilocos Sur,La ngPalawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli, Roxas, San Vicente), kabilang na ang Calamian at Cuyo Islands,Northern Samar,Samar,Eastern Samar,Biliran,Leyte,Southern Leyte, Cebu (kabilang na ang Bantayan at Camote Islands, Bohol, Negros Occidental at Oriental, Guimaras, Aklan, Antique, Capiz, at Iloilo.

Sa pagtaya pa ng PAGASA, asahan ang matinding pag-ulan sa mga nabanggit na lugar.