Nag-umpisa nang dumagsa ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 upang umuwi sa kani-kanilang probinsya upang samantalahin ang mahabang bakasyon dahil sa Undas.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ng pamunuan ng airport, halos 17,000 pasahero na ang kanilang naitala simula nitong Biyernes ng madaling araw.

Inaasahan naman ng NAIA management na lalo pang dadagsa ang mga pasahero sa Sabado, Oktubre 29.

Kaugnay nito, wala pa ring anunsyo ang NAIA sa kanselasyon ng mga biyahe sa gitna ng bagyong Paeng.

Metro

Akbayan, hinimok ang DOTr na pahabain operating hours ng LRT, MRT

Sa huling abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo 410 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar at taglay nito ang hanging75 kilometer per hour (kph) malapit sa gitna at bugsong aabot sa 90 kph.