Nasa Signal No. 2 na ang pitong lugar sa Bicol at Eastern Visayas habang 17 pang probinsya ang apektado ng bagyong Paeng.

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang mga sumusunod na lugar ay kabilang sa Signal No. 2:Catanduanes,Albay,Sorsogon,eastern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Presentacion, Lagonoy, Goa, San Jose, Tigaon, Iriga City, Saglay, Buhi), atNorthern Samar,northern portion ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo, Maslog, Dolores, CanAvid, Taft).

Nasa Signal No. 1 naman ang Masbate, kabilang na ang Ticao at Burias Islands,Camarines Norte, natitirang bahagi ngCamarines Sur,Romblon,Marinduque,Quezon (kabilang ang PolilloIslands),Laguna,Rizal,Samar, natitirang bahagi ngEastern Samar, Biliran, Leyte,, Southern Leyte,northern portion ng Cebu (Daanbantayan, Medellin, San Remigio, Tabogon, City of Bogo, Borbon) kabilang ang Bantayan at Camotes Islands,Dinagat Islands,Surigao del Norte (kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands), atSurigao del Sur (Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen, Lanuza, Cortes, City of Tandag, Bayabas, Tago, Cagwait).

Huling namataan ang bagyo 410 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar, dala ang hanging

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

75 kilometer per hour (kph) malapit sa gitna at bugso nito na 90 kph.

Posibleng mag-landfall o dumaan ang bagyo sa Catanduanes sa Sabado ng umaga, ayon sa PAGASA.

Sa pagtaya rin ng ahensya, posible ring tumama ang bagyo sa Aurora o karagatang bahagi ng Quezon (kabilang na ang Polillo Islands) sa Linggo ng umaga.

"Considering the southward shift in the forecast track, a possible landfall in the eastern portion of Bicol Region is not ruled out at this time," babala ng ahensya.