Ang new-build apartment ni Kapuso actress Bea Alonzo sa Madrid, Spain ay disenyo ng isang kilalang Spanish architect na si Tristan Domecq.

Limang buwan matapos ibahagi sa kaniyang ika-100 episode ng kaniyang YouTube vlog ang naging apartment hunting sa Madrid, naipakita na ng Kapuso actress ang bagong ari-arian sa kaniyang mama na si Mary Ann Ranollo.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

&t=506s

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Bea ang larawan niya kasama ang ina, at stepdad sa bagong acquired apartment sa Chamberi district sa kabisera ng Spain.

“I was finally able to show my mom our apartment in Madrid and she was so happy! 🥹 Ang dami nya nang plano on how to fix the place, ❤️” mababasa sa Instagram post ng aktres, Miyerkules.

Nauna nang na-inlove sa interior, at charm ng lokasyon ng apartment si Bea dahilan para piliin niya ito sa anim na binisitang bahay noong Mayo.

Pag-amin pa ni Bea noon, mas mahal sa kaniyang target na apartment price ang binitiwang pera para sa pangarap na property.

“I am so grateful I get to share this moment my mom. Pangarap ko lang to eh. Yakapin nyo naman nanay nyo para sa akin, 😊🤗” dagdag ni Bea sa parehong IG post.

Liban sa napapalibutan ang lugar ng good café, at may maayos na amenities ang gusali ng apartment, dagdag na nagpakumbinsi kay Bea ang carrara marble na gamit sa ilang bahagi ng apartment.

Ilang celebrities naman ang nagpaabot ng pagbati para sa bagong acquired property ng Kapuso actress.

Congrats, Bea!