Ipinagdiwang ng showbiz couple na sina Vice Ganda at Ion Perez ang kanilang ikaapat na anibersaryo nitong Martes.

Sa mga serye ng Instagram stories ng Kapamilya stars, inalala ng dalawa ang espesyal na okasyon sa isang out of town trip kasama ang malalapit na kaibigan.

Matamis na mensahe naman ni Ion ang mababasa sa isang Instagram post nito ngayong Martes.

“Uulitin ko! Maraming rason ang TAMA para maging MALI pero ang pagmamahal ko sayo walang rason para maging MALI!!!” ani Ion.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Happy anniversary asawako!” dagdag ng “It’s Showtime” host.

Kalakip nito ang larawan ng dalawa sa ilalim ng isang enggrandeng fireworks display.

Kinakiligan ng followers ni Ion ang message nito sa asawa.

Maging si Anne Curtis ay nagpaabot din ng pagbati sa isa na namang milestone ng ng “It’s Showtime” couple.

Sa pag-uulat, nasa mahigit 69,000 likes na ang naturang IG post.

Ngayong Oktubre rin ipinagdiriwang ng dalawa ang kanilang unang wedding anniversary.

Basahin: Love truly wins! Ang nakakikilig na ‘wedding vows’ nina Vice Ganda at Ion Perez – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid