Ito ang malinaw na punto ni “Sawsawera Queen” RR Enriquez kaugnay ng mainit na salpukan nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino, na hanggang ngayon ay usap-usapan online.

Pagbubuod ni RR sa isyu ng dalawa, nagkaroon ng gamitan sa pagitan ng dalawang kampo na pareho aniyang nakinabang sa isa’t isa.

Deserve ni Zeinab ang milyong-milyong halaga na nakuha sa talent manager habang karapatan umanong gumasta ng malaking halaga ni Wilbert para sa kaniyang channel, dagdag ni RR.

Una nang sinabi ng talent manager na binuo niya ang kaniyang YouTube channel bilang alas sa kapwa bar owners.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

“Wala kayong utang na loob sa isa’t isa per naggamitan kayo,” ani RR.

Sa kasalukuyang followers ni Wilbert sa YouTube, tinatayang nasa 700,000 dito ay naangkat sa mula sa Zebbies ng star vlogger.

Gayunpaman, hindi naman nagustuhan ni RR ang kontrobersiyal na pagsisiwalat ng talent manager sa pribadong usapan nila ni Zeinab, kung saan kapwa vloggers at maging ilang celebrities ang prangkang nabitawan nito ng hindi katuwa-tuwang paglalarawan.

"Ang medyo mali lang na nakita ko, sa totoo lang na pangit na ginawa ni Sir Wilbert is bakit kailangan mong ilabas lahat yung mga pinag-uusapan niyo ni Zeinab. 'Di ko alam kung ano 'yung motive mo bakit kailangan mong ilabas yun. Kung may problema ka kay Zeinab, nailabas mo naman na e ‘di ba?” ani RR.

Dagdag niya, “Sana hanggang ganun na lang. Hindi mo na kailangan ilabas pa yung mga napag-uusapan niyo regarding dun sa ibang mga friends ni Zeinab na influencers, vloggers. Private matter na yan e, kayo nalang yung nag-uusap.”

Paniniwala ni RR, lahat umano may bad attitude kahit pa sa kapwa kaibigan na aniya’y magkakaroon ng “isyu, at side comment.”

Sa kaso ni Zeinab, nothing personal daw ang mga bagay na ito lalo pa’t nakilala niyang jologs at taklesa ang vlogger.

Sa huli, pinayuhan ni RR si Zeinab na bawasan ang pagpapahayag ng masamang saloobin, lalo na tungkol sa mga kaibigan.

Nauna nang humingi ng paumanhin sa kapwa vloggers, at celebrities ang kontrobersiyal na online star nitong Martes.

Basahin: Walang palusot: Zeinab Harake, humingi ng dispensa sa kapwa vloggers, celebs, followers – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid