Mabibigat na paratang ng online personality na si Xian Gaza ang isa-isang nilapag nito laban kay Wilbert Tolentino matapos makaladkad ang kaibigang vlogger na si Zeinab Harake sa ngayong viral na rebelasyon noong Linggo ng gabi.

Sa mahigit walong minutong video at serye ng Facebook posts nitong Lunes, sunod-sunod na pinaulanan ni Xian ang talent manager at businessman.

Basahin: ‘Ang Rebelasyon!’ Wilbert Tolentino, nagsiklab sa post ni Zeinab Harake, may isiniwalat laban sa kaniya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Unang punto ng online personality, kataka-taka umano ang halagang ipinamumudmod ni Wilbert sa mga influnecer kapalit ng ilang content collaborations.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ani Xian na big question, “saan ba talaga nanggagaling ang kayaman ng taong ito?” pagtukoy kay Wilbert bagaman hindi binanggit ang pangalan sa video.

Sunod na pagsisiwalat ni Xian, mula sa “easy money” umano ang pera ng talent manager dahilan para mabilis lang itong pakawalan para sa ilang online clout.

Dagdag na mabigat na paratang ng online personality, isang mastermind umano at lider ng credit card fraud at online scam syndicate ang itinatagong negosyo ng talent manager.

Kabilang pa umano sa ilegal na operasyon sa nasabing negosyo ang extortion, online scams, at online phising.

Kumpiyansang pagsugal ni Xian, itataya niya ang kaniyang 101% para sa kredibilidad ng aniyang source, na dati rin umanong empleyado ni Wilbert.

Dagdag niya, pawang mga ordinaryong Pilipino ang binibiktima ang mga nasabing operasyon ng nasabing mga kompanya.

Bagaman aminadong biased sa kaibigang si Zeinab, paggiit ng online personality, ilalabas pa rin niya umano ang mga baho ng talent manager na aniya'y naghugas-kamay sa kaniyang mga ilegal na gawain.

“‘Di ko alam kung paano kinakaya ng konsensya nila na biktimahin ang mga ordinaryong Pilipino,” ani Xian.

Ilan pang resibo sa kaniyang sunod-sunod na Facebook posts ang mababasa online kabilang ang umano’y pagkakasangkot ng talent manager sa isang cyberporn operation sa Isabela at mga testimonya ng dating empleyado nito.

Pagtitiyak ni Xian, “I will use all my money and connections para makulong ang tao na 'to. Kalabanin niyo na ang lahat huwag lang ang mga kaibigan ko.”

Sa pag-uulat, nananatiling tikom sa mabibigat na akusasyon ni Xian si Wilbert.

Ang talent manager ay kilala bilang bar owner at talent manager nina Miss Planet Philippines 2022 Herlene Budol at online personality at dating Pinoy Big Brother housemate na si Madam Inutz.

Kasalukuyang nasa South Africa ang talent manager bilang paghahanda sa nalalapit na international pageant ni Herlene.