Isang lalaki ang patay nang pagsasaksakin ng kanyang kaibigan matapos na mauwi sa argumento ang kanilang masayang pag-iinuman sa Rodriguez, Rizal nitong Linggo ng gabi.

Dead on arrival sa Casimiro Ynares Hospital ang biktimang nakilala lang na si Randy Santos dahil sa tinamong mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakatakas naman at tinutugis na ng mga otoridad ang suspek na nakilalang si Aaron James Ulan, kapwa residente ng naturang lugar.

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, dakong alas-9:35 ng gabi nang maganap ang krimen sa Phase 1 Greenview, Brgy. San Isidro, sa Rodriguez.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Lumilitaw sa imbestigasyon na masayang nag-iinuman sina Santos at Ulan nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga ito, na nauwi sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Nang bumagsak at nakitang duguan ang biktima ay mabilis nang tumakas ang suspek.

Isinugod naman ng mga kaanak ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot pa ng buhay.