Matapos ang kaniyang kabogerang stint sa Seoul International Drama Awards noong Setyembre, panibagong feat sa karera ni Belle Mariano ang kamakailang minarkahan ng Kapamilya young actress.

Basahin: Belle Mariano, unang Pinay actress na kinilala bilang ‘Outstanding Asian Star’ ng Seoul International Drama Awards – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Napili lang naman bilang brand ambassadress ng SHEIN ang Kamamilya star, kauna-unahan para sa Pinay celebrity.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sa naganap na SHEIN Pop-Up Showroom sa Ayala Mall Manila Bay noong Okt. 20, tanging admiration lang ng 20-anyos na Kapamilya star ang nabanggit para sa global brand.

“For me, when it comes to fashion, it’s really essential because it’s how we express ourselves,” anang “He’s Into Her” star sa ulat ng Metro Style.

Dagdag niya, ang kalidad din ng produkto ang pinaka-nagustuhan niya sa ine-endorsong brand.

Sa pag-uulat, abala sa kabi-kabilang endorsement si Bella mula skincare products, mobile gadgets, at drinking brands, patunay sa taglay na kasikatan ng aktres lalo na sa young generation.