Aktibo na rin muli sa kaliwa’t kanang brand endorsement si Kapuso star Carla Abellana.

Sa mga larawan ng aktres sa Instagram kamakailan, napansin ng maraming followers ang blooming na awra ng Kapuso star.

Ilang mga kasamahan sa showbiz, maliban pa sa maraming netizens ang nagpahayag ng parehong obserbasyon kay Carla.

“Grabe Ate Carla,” komento ni Kapuso young actress Cassy Legaspi.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Beautiful,” segunda ni Verniece Enciso.

“Ang ganda ganda ganda mo!😍”

“Di ka nakakasawang tignan! 😍😍😍”

“Mama Mary please pray for us!”

“Strong woman makes you more beautiful! 😍👏”

“Blooming Carla!”

“Wow, that glow!”

Maging ang kapwa Kapuso actress na si Ysabel Ortega ay napansin din ang alindog ng aktres.

Matatandaang sa isang panayam kamakailan, aminado si Carla na naapektuhan ng hiwalayan niya sa dating asawa na si Tom Rodriguez ang kaniyang confidence.

Ngayon, tila back to her glowing self na ang aktres, na isa ring animal welfare advocate sa kaniyang serye ng mga Instagram posts tampok ang mga rescued dogs.

Maliban sa pag-arte, si Carla ay kilala ring host, brand ambassador, at isang YouTuber.