Sinibak na sa puwesto ang dalawang opisyal ng pulisya at siyam pa nilang tauhan hinggil sa nawawalang apat na sabungero sa Cavite noong 2021.

Sa pahayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Brig. Gen. Jonnel Estomo, kasama sa inalis sa puwesto sina Regional Drug Enforcement Unit chief Lt. Col. Ryan Orapa; Lt. Jesus Menez; Staff Sergeants Ronald Lanaria, Ronald Montibon, Troy Paragas, Roy Pioquinito, at Robert Raz Jr.; at Corporals Christal Rosita, Denar Roda, Alric Natividad, at Ruscel Solomon.

Isinailalim na sa restrictive custody ang mga nasabing pulis kasunod na rin ng pagsasampa ng kaso ng National Bureau of Investigation-Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID) kaugnay sa pagkawala ng magkakapatid na sina Gio, Mico Mateo, Garry Matreo Jr., at Ronaldo Anonuevo sa Dasmariñas City sa ikinasang anti-drug operation noong Abril 13, 2021.

Sinabi ng NBI na nahagip sa closed-circuit television (CCTV) camera ang mga pulis na dinudukot ang mga biktima sa nasabing luigar.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Ang mga ito ay kinasuhan ng kidnapping, serious illegal detention at paglabag sa Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act.

PNA