Kiber sa mga Amerikano sa sikat na Times Square sa Manhattan, New York si Kapamilya singer Angeline Quinto habang rumampa pa nang nakapantulog!

Kuwela ang hatid ng bagong YouTube vlog ni Angeline kasama ang kaniyang creative team sa kamakailang concert tour Amerika.

Ang ginawa kasing kakaibang challenge ng grupo, rumampa sa kanilang best pantulog sa abala at sikat na Times Square.

Game na game ang team ng Kapamilya singer na kaniya-kaniya ang paandar para sa premyo.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Siyempre, hindi naman nagpahuli maging si Angeline na kiber pang nagphotoshoot sa gitna ng abalang pedestrian lane sa naturang landmark.

Agaw-pansin ang singer sa mga banyaga sa kaniya pang dalang unan, maleta at tuwalya sa ulo bilang dramatic props. Makikita namang tila confused na pinagmamasdan ang singer ng mga dumaraang Kano sa lugar.

Nang ibahagi ang mga larawan sa Instagram nitong Biyernes, kuwela't katatawanan ang hatid ng singer sa kaniyang followers at sa kapwa kaibigan sa showbiz.

Hindi kinaya ng kapwa singer na sina Erik Santos, Lucas Garcia at maging ng young actress na si Loisa Andalio ang paandar ng Kapamilya singer dahilan para mag-iwan ng mga ito ng komento sa naturang IG post.

Kasalukuyang nasa mahigit 29,000 ang natamong likes ng IG post ni Angeline sa pag-uulat.

Mapapanuod ang kabuuang challenge sa YouTube vlog ng singer.