Bugbog-sarado ang Terrafirma Dyip matapos talunin ng Bay Area Dragons ng 54 puntos, 130-76, sa pagpapatuloy ng 2022-2023 PBA Commissioner's Cup sa PhilSports Arena sa Pasig nitong Biyernes.

Sa unang bugso ng laban, rumatsada kaagad sina Zhu Songwei, Glen Yang, at Kobey Lam hanggang sa itinuloy ito ni Andrew Nicholson na humakot ng 37 puntos, kabilang ang 31 na produksyon nito sa first half, at 10 rebounds.

Sa huling bahagi ng laro, hindi na ginamit si Nicholson dahil sa laki ng bentahe ng koponan laban sa Dyip.

Nitong nakaraang Linggo, tinambakan din ng Dragons ang San Miguel, 113-87, matapos hindi makalaro ang center ng koponan na si June Mar Fajardo dahil sa throat injury.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Umangat na ang kartada ng Bay Area sa 6-1, panalo at talo.

Nitong Oktubre 9, naputol ang 4-0 winning streak ng Bay Area Dragons nang pataubin sila ng Ginebra, 111-93.

Ito ang unang talo ng Dragons mula nang sumali ito PBA bilang guest team.