SARIAYA, Quezon -- Patay ang isang 50-anyos na tricycle driver matapos itong ma-hit-and-run sa Maharlika Highway sa Brgy. Sampaloc 2 nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa ulat, ang biktimang si Jimmy Lopez ay hindi na umabot na buhay nang dalhin ito sa ospital ng rumespondeng rescue team. 

Napag-alaman na dakong alas-9 ng gabi binabagtas ng biktima ang nasabing lugar at siya'y nasa inner lane patungo sa northbound nang salpukin ito ng isang kulay puting sasakyan at hindi ito huminto. 

Bumulagta ang tricycle driver dahil sa lakas ng pagkakabangga. Kaya naman nagsasagawa ngayon ng follow up operation ang Sariaya PNP upang matukoy ang pagkakakilanlan ng tumakas na drayber. 

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog