Nagsimula nang maramdaman angmalamig na simoy ng hangin sa bansa dahil na rin sa pagpasok ng amihan o northeast monsoon season na iniuugnay sa Pasko.

Sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), naramdaman ang malamig na panahon sa mga nakaraang araw dahil na rin sa high pressure system sa Siberia.

"Moreover, gradual cooling of the surface air temperature over the northeastern part of Luzon has been observed.These meteorological conditions indicate the onset of Northeast Monsoon (Amihan) season in the country," ayon sa PAGASA.

Ayon sa ahensya, inaasahang titindi ang lamig ng panahon sa mga susunod na buwan sa northern Luzon dahil na rin sa amihan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

"Surges of cold temperatures may also be expected in the coming months," ayon sa abiso ng ahensya.

Inalerto rin ng PAGASA ang publiko sa inaasahang flash flood at landslide dahil pinaiigting ng La Niña phenomenon ang amihan.

"All concerned government agencies and the public are advised to take precautionary measures to mitigate the potential impacts of these events," banggit pa ng ahensya.