Ipinatanggal ng Professional Artist Managers, Inc. (PAMI) ang 75-anyos na talent manager at showbiz columnist na si Manay Lolit Solis matapos ang malinaw na paglabag sa alituntunin ng grupo.

Sa isang Instagram post nitong Martes, ibinahagi ng showbiz personality ang kaniyang expulsion letter mula sa grupo. Pag-amin ni Manay Lolit, ikinalungkot niya ang natanggap na liham.

“Alam ko na may nagawa akong kasalanan kaya tanggap ko ang parusa,” anang talent manager.

Matatandaang isang screenshot ng usapan ng grupo sa Viber  ang lumabas kamakailan sa isa sa mga Instagram post ni Manay.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sa larawan, mababasa ang sumusunod: “Tita Dolor please post this sa PAMI viber group. It is now very evident to me, without a shadow of a doubt, that PAMI’s silence on this BULLYING BY ANOTHER PAMI MEMBER is tantamount to PAMI SUPPORTING BULLIES & BULLYING. Therefore, I cannot continue being a part of PAMI. I RESIGN.”

Napag-alamang ang manager ni Bea Alonzo, at kapwa miyembro ng PAMI na si Shirley Kuan ang umano’y sender ng naturang Viber message.

Anang Pangulo ng PAMI na si June Torrejon-Rufino, “clear breach of confidentiality agreement” ng grupo ang nasabing post.

Humanga naman ang talent manager sa aniya’y matapang na pangulo kasunod ng desisyong ipatanggal siya, “I am sorry for messing up, at mabuti nga ginawa nila ito at baka dumami pa ang mag resign tulad ni Shirley Kuan. Ngayon hindi na magri resign ang mga ayaw sa akin, dahil expelled na ako. At least, na EXPEL ako dahil sa ibang rason at hindi dahil sa BULLY ako.”

“I admit to my mistake, I bow to June Rufino as president of PAMI, and I hope the organization at ang mga members magtagumpay lahat lalo na ang mga alaga nila na parang anak na kaya inilalaban ng patayan gaya ni Shirley Kuan kay Bea Alonzo. Wish all of you well and success,” pagtatapos ni Manay Lolit Solis.

Matapos buweltahan ni Shirley si Manay Lolit kamakailan, humingi ng paumanhin nitong Martes ang nakaratay na talent manager.

Basahin: Manager ni Bea Alonzo, binuweltahan na ang ‘bully,’ ‘power-tripper’ na si Manay Lolit Solis – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ito’y nag-ugat kasunod ng walang humpay ng tirada ng kolumnista laban kay Kapuso actress Bea Alonzo.

Basahin: ‘Tumiklop?’ Lolit Solis, biglang kambyo: nag-sorry kay Bea Alonzo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid